Sulat ni Tatay at ni Nanay

This is actually from a video posted from one of my co-worker which is entitled "Sulat ni Tatay at ni Inay". It is indeed a very touching letter that explains the hardship of the old ones and their deepest need of care and understanding primarily from their loving sons and daughters.

Sulat ni Nanay at Tatay

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan , huwag mo sana akong kagagalitan.

Mararamdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawaan mo ako.
Kapag mahina na ang tainga ko at hindi kita maintindihan, huwag mo sana akong sabihan ng bingi. Pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak.

Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tumayo.
Katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensiyahan mo sana ako.

Kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka
Basta pakingan mo na lang ako.

Huwag mo sana akong pagtawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yang sasabihin. Maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang akong amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.Madaling magkasakit kapag malamigan. Huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo na kung madalas ako'y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho. Kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan.

Pagpasensiyahan mo na sana....
kung ako man ay maihi o madumi sa higaan. Pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng akong buhay.

Tutal hindi naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng akong pagpanaw...
Hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang maga-alala...
Kapag kaharap ko na ang Diyos na Lumikha,
Ibubulong ko sa kanya na pagpapalain ka sana.

Dahila mapagmahal ka...sa iyong ama't ina.


After watching the video that comes with a sentimental background piano piece, I felt guilty. It is because I never had a single chat with my mom or dad. It sometimes annoys me and I felt that we really got nothing to talk about. However, it is a fact that the old ones get easily hurt upon seeing you irritated with their approach of which I am also guilty of. How disappointing really it would be for them.

No comments:

Post a Comment